TV

Julie Anne San Jose, bilib sa singers na produkto ng 'The Clash'

By Gia Allana Soriano

Ikinuwento ni Julie Anne San Jose kung paano siya napabilib nina The Clash Champion Golden Cañedo at Clashers Jong Madaliday, Josh Adornado at Mirriam Manalo.


Aniya, "Ako kasi personally kahit 'di ako judge, kahit 'di ako part ng The Clash, narinig ko kasi sila live nung nag-guest ako sa The Clash. Sobrang galing talaga nila."

Dagdag pa niya, "Wala kaming masabi. Lahat sila magagaling. Lahat sila pantay-pantay. Lahat sila may kanya-kanyang style. Lahat sila unique."

Inalala rin ni Julie ang mga panahon na sumasali rin siya sa singing competitions. Produkto si Julie Anne ng singing contest na Popstar kids.

Wika niya, "And I think 'yun 'yung nakak-miss, kapag naalala mo na galing kang singing contest. Nakaka-miss din siyempre kumanta sa entablado, tapos haharap ka sa lahat ng tao."

Kabilang si Julie Anne at ang The Clash finalists sa cast ng inaabangang Kapuso show na Studio 7. Abangan ito ngayong October 14 na pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.