TV

LOOK: Kyline Alcantara posts throwback photo with Rayver Cruz

By Bianca Geli

Ipinakita ni Kyline Alcantara ang laki ng ipinagbago nila ng kapwa Kapuso star na si Rayver Cruz matapos ang ilang taon.

Nag-post si Kyline sa kaniyang Instagram stories ng throwback photo nila ni Rayver kaninang umaga, November 15.

Caption ni Kyline dito, “Pampaganda ng umaga niyo. Oppa @rayvercruz”

Nagulat naman si Rayver nang makita ang larawan dahil sa laki ng pinagbago ni Kyline, na ngayo'y isa nang ganap na dalaga at lead actress na sa GMA.

“Grabe, pinapahalata mo naman edad ko eh,” biro naman ni Rayver.

Parehas nanggaling sa ibang TV network sina Kyline Alcantara at Rayver Cruz.

Pumirma ng kontrata si Kyline sa Artist Center noong 2017. Nagbalik-Kapuso network naman si Rayver Cruz nitong 2018 matapos ang mahigit na sampung taon.

Rayver Cruz, ma-i-in love sa isang transgender sa 'Asawa Ko, Karibal Ko'