TV

Parokya ni Edgar, napabilib sa rap skills ni Julie Anne San Jose

By Bianca Geli

Mismong ang vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ay napabilib sa rap skills ni Asia's Pop Sweetheart Julie Anne San Jose.

Julie Anne San Jose

Nag-post si Chito sa kaniyang Instagram ng video clip ni Julie kasama si Gabbi Garcia habang nagpi-perform ng “Bagsakan” sa Studio 7 “Musikalye” noong nakaraang Linggo, February 3.

Ani ni Chito, “Tingnan mo 'tong si Julie Anne San Jose. Una, gumawa ng version ng 'Your Song' na sobrang ganda.

“Sabi ko nalang: ang galing talaga nitong babaeng 'to.

“Tapos di pa nakunteto...binanatan nya pa yung stanza ni Gloc sa Bagsakan! Sobrang galing sarap sabunutan.”

Ang “Bagsakan” ay hit collaboration ng Parokya ni Edgar, Gloc-9, at ng yumaong Pinoy King of Rap na si Francis Magalona.


Sa pamamagitan ng Twitter post, sumagot ang Asia's Pop Sweetheart na si Julie Anne.

Aniya, “Okay lang po na masabunutan ni Sir Chito.. It's an honor.”


Panoorin ang nakakabilib na performance nina Julie at Gabbi ng "Bagsakan":

IN PHOTOS: Studio 7 Musikalye