TV

Young Kapuso singers, kumanta ng hugot songs sa 'Studio 7 MusiKalye 3'

By Bianca Geli

Dahil successful ang unang MusiKalye sa Eton Centris kasama ang special guests na Ex Battalion, Silent Sanctuary, Teeth, The Juans, Gloc-9, at I Belong to the Zoo, nagkaroon ng pangalawang MusiKalye sa SM Mall of Asia kung saan nakisaya ang ilang OPM bands tulad ng 6Cyclemind, Sponge Cola, at Salbakuta.

Ngayon, isa na namang OPM jamming ang hinandog ng Studio 7 MusiKalye 3 sa Valenzuela People's Park.

Isa sa mga inabangan sa pangatlong Studio 7 MusiKalye ay ang pagsasama-sama ng Kapuso artists na napapanood sa GMA dramas na sina John Kenneth 'Dekdek' Giducos (My Special Tatay), Jillian Ward (Kara Mia) at Mikee Quintos (Onanay). Kasama rin sa “hugot” performance ang GMA Drama soundtrack singers na sina Psalms David (My Special Tatay) at Golden Cañedo (Kara Mia).

Kinanta ni John Kenneth 'Dekdek' Giducos ang classic Aegis song na “Luha.” Aegis hit din ang inawit ni Jillian Ward na “Sayang na Sayang” habang si Psalms David ang nag-perform ng “Mahal Pa Rin Kita” na originally sang by Rockstar.

Binigyan ni Mikee Quintos ng female version ang “Sana ay Mahalin Mo Pa Rin Ako” na kinanta ng April Boys at si Golden Cañedo ang nag-perform ng “Mula sa Puso” ni Jude Michael.

Napahanga rin ang netizens sa pagbibinata at pagdadalaga ng young Kapuso singers at ang patuloy na pag-husay ng kanilang pag-kanta.

Balikan ang Studio 7 MusiKalye 3 episode na umere nitong March 3:

Studio 7: Bloomfields' OPM song cover

WATCH: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz sing "Bakit Ngayon Ka Lang?"