TV

Garrett Bolden, bakit kinabahan sa duet with Up Dharma Down?

By Bianca Geli

Napanood ng Studio 7 fans ang duet ng Clasher na si Garrett Bolden at ang OPM band na Up Dharma Down sa Studio 7 MusiKalye 3 sa Valenzuela People's Park.

Garrett Bolden

Ani Garrett, “Sobra akong kinabahan kasi first time ko silang nakita. Sobra akong kinabahan. Sobrang overwhelming, tuwing lilingon ako sa kanila, gina-guide nila ako, sobrang bait nila at sobrang galing.”

Kinanta nina Garrett at Up Dharma Down ang isa sa hits ng banda na “Oo."

Balikan ang mga eksena mula sa Studio 7 MusiKalye 3 na umere noong March 3.

Studio 7: The timeless music of UDD