TV

Alden Richards at Betong Sumaya share their US trip memories

By Bianca Geli

Simula na ng rehearsals ng Studio 7 cast na kasama sa gaganaping Studio 7 Musikalye sa Brooklyn kaya todo handa ang ilang cast members tulad nina Alden Richards at Betong Sumaya.

Betong & Alden Richards

Sa isang panayam kasama ang GMA Pinoy TV ikinuwento ng nina Alden at Betong ang kanilang mga alaala sa Amerika.

Kuwento ni Alden, “Excited akong mag-perform at excited akong makabalik sa Brooklyn kasi it's been a while. The last time I was there, KalyeSerye [days] pa, kasama ko 'yung Eat Bulaga!

Malapit sa puso ni Alden ang Amerika dahil sa kapatid niyang naninirahan dito at isa sa favorite cities niya raw ang New York City. “Isa kasi talaga sa mga favorite cities ko 'yung New York. I was able to go to a workshop there, ibang iba 'yung feeling kapag nandoon ka at masaya siya, fun experience. Parang puwede akong bumalik sa New York weekly.”

Para kay Betong naman, babalik-balikan niya ang American Chinese fast food chain na Panda Exrpress. Nang tanungin kung ano ang namI-miss niya sa Amerika, sagot ni Betong: “Siyempre 'yung food, Panda Express. 'Yon talaga 'yung pagkain na pang-construction worker po talaga.”

Excited na rin ang dalawa na makita ang kanilang Kapuso fans abroad. “Magkita-kita po tayo mga Kapuso this coming May 11 sa Kings Theatre, tickets are still available, grab your tickets at Ticketmaster,” saad ni Alden.

Abangan ang pinakaunang overseas Musikalye tampok sina Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Kyline Alcantara, Golden Cañedo, Betong Sumaya at Alden Richards na gaganapin sa Kings Theatre, Brooklyn, New York.

Para sa mga Kapuso abroad, maaari nang bumili ng tickets para sa Kapuso Pinoy Studio 7 Musikalye sa Brooklyn. Bisitahin angwww.ticketmaster.com para sa mga detalye o tumawag sa (800) 745-3000.

Pasilip sa rehearsals ng 'Studio 7' cast para sa Musikalye sa Brooklyn

WATCH: Ilan sa 'Studio 7: Musikalye' cast handa na sa paglipad sa Brooklyn