TV

'Studio 7' cast, excited nang pumunta sa Brooklyn, New York

By Bianca Geli

Kitang-kita ang excitement sa mga mukha ng Studio 7 cast na lilipad papuntang Brooklyn, New York para sa Kapusong Pinoy.

'Studio 7' cast

Kani-kaniyang selfie sina Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Kyline Alcantara, Golden Cañedo, Betong Sumaya, at Alden Richards sa GMA International office matapos ang kanilang Studio 7 rehearsals.

Abangan ang multi-talented na Studio 7 cast sa “Kapusong Pinoy Studio 7 Musikalye sa Brooklyn” ngayong May 11 sa Kings Theatre!

Mabibili ang tickets sa ticketmaster.com or tumawag sa 1-800-745-3000 for more details!