TV

WATCH: Glaiza de Castro reveals the wildest thing she did in Ireland

By Bianca Geli

Sa “Count to 10” segment ng Studio 7, ini-reveal ni Glaiza de Castro kung ano ang pinaka-wild na nagawa niya habang nasa bakasyon.

Glaiza de Castro

Tanong nina Betong Sumaya at Paolo Contis, “Sa mga pinuntahan mong bansa, saan ka pinaka-wild o ano 'yung pinaka-wild na nagawa mo?"

Sagot ni Glaiza, “Sa Ireland. Kasi bago kami mag-surf, siguro mga one hundred 'yun na baka. Tapos 'yung isang baka nakatingin talaga sa'kin.”

Naglalakad daw noon si Glaiza sa may gilid ng daan kung saan may mga baka. Dagdag pa niya, “Mangiyak ngiyak na talaga ako kasi may hawak kaming surfboard. Iniisip ko, gaano ba ito kalayo, kasi ayoko na.

"Naglalakad kami sa gilid, siyempre turf [nila] 'yun kaya natatakot talaga ako, hesitant talaga ako.”

Alamin ang buong kuwento ng “wild” experience ni Glaiza dito: