TV

Mark Herras, naging bad boy sa isang na-link sa kaniya?

By Bianca Geli

Sa Studio 7 segment na Count to Ten, na-corner ng hosts na sina Paolo Contis at Donita Nose si Mark Herras.

Mark Herras

Isa-isang ipinakita ng hosts kung sino ang mga na-link na Kapuso actresses kay Mark.

Pinapili si Mark sa Kapuso actresses na sina Jennylyn Mercado, Winwyn Marquez, at Nicole Donesa kung sino ang pipiliin niyang makasama sa mall, sa isla, at sa buwan.

Nang ipinakita ang picture ng ex-girlfriend ni Mark na si Jennylyn Mercado at former Kapuso actress na si Ryza Cenon, tinanong si Mark ni Paolo: “Kanino ka naging bad boy at good boy noon?”

Sagot naman ni Mark, “Siguro dito [Jennylyn] naging good boy ako, at dito [Ryza] naging bad boy ako.”

Panoorin ang mga sagot ni Mark sa Studio 7: