Namiss niyo ba ang walang kupas na love team nila Bobby Andrews at Angelu de Leon, Tina Paner at Ramon Christopher, Romnick Sarmento at Sheryl Cruz and of course, Janno Gibbs at Manilyn Reynes? Maki-throwback sa nakakakilig na Paborito portion ng Sunday All Stars.
Handa na ba kayo sa isang nakakakilig na throwback jamming session?
Sumikat noong '80s at '90s ang love team nila Romnick Sarmenta at Sheryl Cruz, na nagsimula sa That's Entertainment ni Kuya Germs.
Nagtatampo ata si Sheryl kay Romnick, sabi nga niya, "You don't bring me flowers anymore."
Ang naging real-life sweethearts na sina Ramon Christopher at Tina Paner naman ang nagpakilig sa mga manonood
"Perfect combination" nga ba sila?
"Perfect combination" nga ba sila?
Sina Bobby Andrews at Angelu De Leon naman ang kinagiliwang love team na Peachy and Wacks sa sikat na sikat na 90's youth-oriented show, ang TGIS.
Sweet pa rin sila hanggang ngayon!
Ang nagbalik-tambalan na sina Janno Gibbs at Manilyn Reynes ay mapapanood niyo naman tuwing hapon sa My BFF
Ano kaya ang sinabi ni Janno kay Manilyn?