TV

‘Sunday All Stars’ continues to wow audience on its second cycle


Ang Sunday All Stars ang pinaka-inaabangang celebrity showdown tuwing Linggo. Noong September 15, 2013 nagkaroon ng 'di inaasahang pagbabago sa apat na grupo ng mga performers - InstaGang, Ligang iLike, Tweet Hearts at Tropang Trending.

Caught off-guard ang bawat isa ng magkaroon ng reshuffle. Napunta sa iba’t ibang team ang bawat members. Nagpalit din ng mga team leaders.

Ang team InstaGang ay pinamumunuan ng Bad boy of the dance floor na si Mark Herras. Kabilang sa kanyang grupo sina Julie Anne San Jose (Tweet Hearts), Christian Bautista (InstaGang), Frencheska Farr (Tropang Trending), LJ Reyes (Ligang iLike), Yassi Pressman (Tweet Hearts), Andrea Torres (Tweet Hearts), Jake Vargas (InstaGang), Bea Binene (InstaGang) at Sam Pinto (Ligang iLike).

Ang Philippines’ RNB Princess na si Kyla ang hinirang namang leader ng Ligang iLike. Makakasama niya sina Barbie Forteza (Tropang Trending), Derrick Monasterio (Tropang Trending), Rocco Nacino (Tweet Hearts), Kylie Padilla (Tropang Trending), Diva Montelaba (Ligang iLike), Wyn Marquez (InstaGang), Steven Silva, Aicelle Santos (InstaGang), at Mark Bautista (Tropang Trending).

Si Kapuso hunk actor Alden Richards naman ang bibihag sa mga puso ng mga judges at handang lumaban para makamit ang Best Team Perfromance award para sa Tweet Hearts. Susuportahan siya nina Ruru Madrid (Tweet Hearts), Louise delos Reyes (Ligang iLike), Solenn Heusaff (InstaGang), Aira Bermudez, Sef Cadayona (Tweet Hearts), Rodjun Cruz, Kris Lawrence (Ligang iLike), Maricris Garcia (Tweet Hearts), at Rachelle Ann Go (Tropang Trending).

Hindi rin papatalo ang consistent winner ng Best Team Performance sa cycle one – ang Tropang Trending. Sa pamumuno ni JayR, muli nilang papatunayan ang kanilang kakayahan bilang Best Team Performers. Sina Jonalyn Viray (Ligang iLike), Rita de Guzman (Tropang Trending), Denise Barbacena (Tropang Trending), Rochelle Pangilinan (Tropang Trending), Enzo Pineda (Ligang iLike), Max Collins (Tweet Hearts), Kristoffer Martin (InstaGang), Aljur Abrenica (Ligang iLike), at Kris Bernal (Ligang iLike) ang tutulong upang mapanatili ang kanilang  outstanding performance.

Sa patindi na patindi at painit na painit na labanan ng mga hottest Kapuso stars, hindi mo dapat itong palampasin! Makisaya sa Sunday All Stars tuwing Linggo, 12NN, only on GMA Sunday Grande! Para naman sa mga updates ng mga paborito niyong Kapuso shows and stars, keep on visiting www.gmanetwork.com. --Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.