TV

LJ Reyes reacts on having a different group in ‘Sunday All Stars’: “Lahat ng group nagkaroon ng separation anxiety.”


Kabilang sa Ligang iLike ang hot Kapuso actress na si LJ Reyes sa cycle one ng Sunday All Stars. Noong nag-reshuffle para sa second cycle, napunta naman siya sa team ng Bad boy of the Dance Floor na si Mark Herras – ang InstaGang. Sa panayam ng GMANetwork.com sa Kapuso actress, inamin niya ang kanyang naging reaksyon sa biglaang pag-reshuffle ng bawat miyembro ng Ligang iLike sa iba pang team at ang mga expectations niya sa kanilang bagong leader.

“Actually, lahat kami nalungkot parang feeling namin ‘Ay, ano ba iyan parang ngayon na lang nga tayo naging close, i-rereshuffle pa’, but then we’re also friends with the other members of other group, so okay din na iba ulit ang kasama,” ang kanyang kuwento sa amin.

Dagdag pa niya, "Siyempre, mamimiss mo lang din ‘yung group niyo. Lahat ng group nagkaroon ng separation anxiety.”

Hindi naman daw sorpresa kay LJ ang biglaang pagreshuffle ng mga grupo sa Sunday All Stars. Katunayan, nakikinita niya na balang araw mangyayari rin ito.

“Well, come to think of it, hindi na siya surprise kasi siyempre competition ‘yun. And, lagi sa competition, they will put mga surprises. I’m sure matagal na rin naman naisip iyan, they were just waiting for the right time to do it.”

Kamusta naman si Mark Herras bilang leader ng bagong InstaGang?

“Si Mark ang bagong leader namin, naging leader na siya before (laughs) and we all know what happen during that time. He had a personal problem, and can’t handle it and so he took a short vacation. So ngayon, medyo eager siya to prove na ‘Ay kaya ko maging leader’ and sa totoo lang he’s doing a good job.”

Na-ikuwento niya rin ang first bonding as a group ng InstaGang, “Our first bonding, we had late lunch together ‘yung mga nakapunta and since wala pa ‘yung staff before the meeting, nagbowling pa kami and after that we had dinner pa.”

Huwag palampasin ang performances ni LJ Reyes kasama ang team InstaGang, sa Sunday All Stars cycle two, tuwing linggo pagkatapos ng Eat Bulaga! Mapapanuod rin si LJ sa pinakabagong GMA show, ang Prinsesa ng Buhay Ko, every weekdays bago mag-24 Oras. Para sa mga updates ng mga paborito mong Kapuso shows and stars, mag-log on lang sa www.gmanetwork.com. --Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com