TV

Artists ng 'Sunday All Stars', pinakilig ang online fans sa live streaming


Naging masaya ang Sunday All Stars nitong Linggo, February 16, 2014 dahil sa theme nilang prom. Bawat grupo ay naghanda ng kakaibang performances para maipakita sa judges na sila ang deserving na manalo ngayong Linggo.

Bukod sa performances, nagkaroon din ng pagkakataon ang fans na makausap ang kanilang idols sa pamamagitan ng live streaming.

Ang mga tanong ay galing sa Twitter followers via #SundayAllStarsProm.

Sa mga hindi nakapanood ng kauna-unahang live streaming ng Sunday All Stars, narito ang ilan sa inyong mga na-miss.
 

How’s your Valentine’s Day? Sino ang ka-date mo?
Solenn Heussaff: Ka-date ko si Ogie Alcasid sa concert niya, tapos humabol ako sa dinner ni Anne [Curtis] sa bahay niya so kasama ang buong barkada. Hindi na kami masyadong nag-Valentine’s so barkada Valentine’s Day.
 
Sino ang idol ninyo sa pagkanta at pagsayaw?
Elmo Magalona: Si Chris Brown, ever since noong nagsimula palang siya sinundan ko na ‘yung music niya at saka pinapanood ko ‘yung mga performance niya. Actually pinanood ko ‘yung concert niya dito. Hangang-hanga lang talaga ako kay Chris Brown hanggang ngayon.

How’s your Valentine’s Day?
Alden Richards: Actually nag-taping ako for Carmela that day, so medyo malamig. Pero okay lang kasi mas priority naman ang trabaho kaya trabaho muna para magka-pera ‘di ba?
 

Give 3 words to describe your ideal guy.
Julie Anne San Jose: God-fearing, understanding and thoughtful.
 
Nag-date po ba kayo noong Valentine’s Day?
Jennylyn Mercado: Hindi po ako nag-date kasi nagtrabaho ako ng Valentine’s Day. Nagpunta ako ng Cabanatuan, nag-show ako doon tapos pag-uwi ko nag-movie kami ng mommy ko.
 
Kapag nagkakaroon ng conflict sa team paano ninyo naaayos?
Bea Binene: Sa tropang Trending naman walang masyadong conflict.
Jake Vargas: Wala. Wala naman. Okay naman lahat, nagkakaintindihan naman.
 
Sino ang pinakamadaling pakiligin?
Steven Silva: Ako, si Yassi. Lagi siyang excited ewan ko kung bakit.
Yassi Pressman: Si Julie. Feeling ko si Julie.
 

Kaninong team kayo pinakana-i-intimidate?
Barbie Forteza: Sa Instagang, kasi nakakailang panalo na sila ‘e.
 
Anong klaseng performance ang gusto ninyong gawin na hindi niyo pa nagagawa sa Sunday All Stars?
Frencheska Farr: Well, ginawa na nila akong baboy, baka try na nila ako gawing baka next time [laughs].
Wyn Marquez: Ako simple lang naman, gusto ko lang makipag-showdown kila Frencheska Farr, Kyla, Rachelle Ann Go. Hello, I can do it! You trust me, right? [laughs]
 
Ano ang pinaka-memorable Valentine’s Day mo?
Enzo Pineda: Last Tuesday.
 

Abangan ang webisode ng live streaming na ito dito sa www.gmanetwork.com.

Catch all of your favorite artists on Sunday All Stars every Sunday at noon. For more updates from the Sunday All Stars gang, visit www.gmanetwork.com.

- Text by Maine Aquino, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com