TV

WATCH: Maine Mendoza, naniniwalang destined sila ni Alden Richards?

By BEA RODRIGUEZ

Wala man sa Sunday PinaSaya kahapon si Pambansang Bae Alden Richards, nagpakilig pa rin ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa 'Marsie' nang magkuwento siya tungkol sa destiny.
 
WATCH: Alden Richards, patuloy na nagpapagaling sa sakit
 
Firm believer ang dalaga sa katagang destiny, lalong-lalo na nang magkrus ang landas nila ng kanyang ka-love team. Sa katunayan, ni-reveal ni Maine ang kuwento nila sa pamamagitan ng paggamit ng road signs.
 
“Two-way traffic” ang paglarawan ng Eat Bulaga darling sa kanilang destiny story “kasi kahit saliwa kami ng daan, ‘yung mga pinagdaanan namin ni Alden [ay] habambuhay namin ‘yun ite-treasure.”
 
LOOK: Alden Richards and Maine Mendoza, destined na magkatuluyan ayon sa kanilang fountain photos?
 
Kung nakasalubong mo na ang iyong ka-destiny, kailangan pa rin itong pagtrabahuhan. Ika ng Kapuso star, “Dapat pinaghihirapan ‘yung pagmamahal. Kailangan nagbibigay ka talaga ng effort.”
 
Gagampanan ng aktres ang radio DJ na si Sinag na hindi naniniwala sa destiny hanggang nakilala niya ang kanyang ka-destiny na si Benjie na gagampanan naman ng kanyang leading man.
 
WATCH: Destined To Be Yours Full Trailer: The hand of destiny
 
Abangan ang phenomenal love team sa kanilang pinakainaabangang Primetime debut sa Destined To Be Yours ngayong February 27 na!
 

 

MORE ON MAINE MENDOZA:

EXCLUSIVE: The story behind 'Destined To Be Yours'

Maine Mendoza, ibinahagi ang isa sa mga paboritong eksena sa 'Destined To Be Yours'