TV

WATCH: Alden Richards at Maine Mendoza, makikisaya sa Panagbenga Festival ngayong Linggo!

By BEA RODRIGUEZ
Malamig man ang panahon ngayon, papainitin naman ng phenomenal love team nina Pambansang Bae Alden Richards at ng kanyang leading lady na si Maine Mendoza ang temperatura sa Baguio City para makisaya sa Panagbenga Festival sa Linggo, February 26. Live mula sa Sunshine Park ng “Summer Capital of the Philippines,” handog ng Sunday PinaSaya at GMA Regional TV ang pagbisita ng hottest love team sa pista para ibunyag ang eksklusibong mga kuwento tungkol sa kanilang first-ever primetime team-up sa Destined To Be Yours.
 
Bukod sa gigisahin sila ng mga tanong ni Kissy Anino sa katauhan ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa Starbuzz, handog naman ng paborito ninyong love team ang kanilang live performance ng Destined To Be Yours theme song na "Tadhana."
 
Samantala, makikiisa rin ang Sunday PinaSaya sa napakasaya at napakakulay na Panagbenga Festival tampok sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose at sina Kapuso stars Gabbi Garcia at Gladys Guevarra para sa grand opening ng show.
 


Tunghayan ang lahat ng ito sa nalalapit na paglunsad ng pinakainaabangang GMA Telebabad show ngayong Linggo na!

READ: ‘Destined to be Yours,’ ‘Meant to Be’ in Baguio for Panagbenga Festival
  
MORE ON ALDEN RICHARDS AND MAINE MENDOZA:
 
WATCH: Unang patikim sa opening scene ng ‘Destined to be Yours’
 
WATCH: Ms. Janice de Belen, aminadong kinikilig sa AlDub
 
WATCH: Walang kupas ang AlDub magic sa full trailer ng ‘Destined to be Yours’