TV

WATCH: Jerald Napoles, pareho nang pinagdadaanan kay 'Ika-6 Na Utos' star Sunshine Dizon?

By BEA RODRIGUEZ

Maraming #hugot sa birthday celebration ni Kapuso comedian Jerald Napoles bilang si Papa Peter kasama si Pambansang Bae Alden Richard sa DJ Bae segment ng Sunday PinaSaya.

 

Tungkol ito sa kanyang complicated love life dahil nabulag umano siya sa kanyang karelasyon na umiibig na sa iba. Kuwento niya, “Isang araw habang nakangiti akong pinagmamasdan siyang natutulog, biglang may nag-text sa kanya, binasa ko at doon ko nalaman na may iba pala siya.”

Ginaya pa ng aktor ang mga linya ni Emma mula sa top daytime drama na Ika-6 Na Utos na ginagampanan ni Kapuso star Sunshine Dizon.


Payo ni Traffic Diva Aicelle Santos, “’Pag nasaktan ka ng isang beses, parang ang hirap nang ibalik, ‘di ba? Kaya Papa Peter, may kanta ako para sa iyo.” Handog ng Kapuso singer-actress ang theme song ng GMA Afternoon Prime na “Sa Lahat ng Iba.”

 

MORE ON JERALD NAPOLES:

READ: Jerald Napoles, may inamin tungkol sa sorpresang pagtawag ni Maine Mendoza sa ‘Sunday PinaSaya’ 

READ: Jerald Napoles, tinawag na transgender si Valeen Montenegro sa kanyang birthday 

READ: Concert King Martin Nievera, a fan of ‘Sunday PinaSaya’ host Jerald Napoles