TV

WATCH: 'Pinulot Ka Lang sa Lupa' stars, wagi sa 'Wikarambulan' ng 'Sunday PinaSaya'

By BEA RODRIGUEZ

Hindi lang mahusay ang Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose, Benjamin Alves at Martin del Rosario sa kanilang pagganap sa GMA Afternoon Prime soap na Pinulot Ka Lang sa Lupa kundi pati na rin sa Wikarambulan segment ng Sunday PinaSaya.


Napanalunan ng mga bida ang game show laban sa co-stars nilang sina Lharby Policarpio, Elle Ramirez at Eunice Lagusad. Biniro pa ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang love team ng serye na gumaganap bilang mag-boyfriend at girlfriend na sina Ephraim at Santina.

Nagniningning daw ang mga mata ni Asia’s Pop Sweetheart habang katabi ang kanyang leading man. Bilin ng Kapuso love team patungkol sa kanilang pinagbibidahang show, “Abangan n'yo po ang mangyayari, kung magkakaroon ba ng hustisya ang pagpanaw ni Ephraim.”

WATCH: Benjamin Alves, namaalam na sa ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’

“At tuluyan na kayang mahuli sina Angeli at Mariz sa kanilang ginagawang kasamaan,” dagdag ng aktor.

Abangan ang huling dalawang linggo ng Afternoon Prime drama kada 4:15 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes sa Kapuso network.

 


MORE ON 'PINULOT KA LANG SA LUPA':

WATCH: Ara Mina at LJ Reyes, nahulog sa hukay!

MUST-WATCH: Sexy fight scene nina Julie Anne San Jose at LJ Reyes sa ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa,’ viral na!