TV

WATCH: AlDub, muli bang pagtatagpuin ng 'Tamang Panahon?'

By BEA RODRIGUEZ

Misteryoso ang lumang litratong hawak ni Mr. Yosh dahil kamukha niya ang lalaking nasa larawan at punit ang kalahating bahagi nito.
 
Bungad ni Mr. Yosh na si Lolo Alfonso niya raw ang nasa litrato at ang punit na bahagi naman ay ang babaeng “greatest love” nito.
 

 

Inalam niya ang misteryo sa pamamagitan ng pagbabalik sa taong 1948 sa Manila Hotel sa tulong ni Susie. Doon, napagkamalan si Mr. Yosh bilang ang kanyang lolo na isang photographer sa malaking fashion show na idinaos sa hotel.
 
Tila na-love at first sight siya sa babaeng nagngangalang Marikit. Kinunan ni Susie ang dalawa ng mga litrato at doon sila nagkadevelopan sa isa’t isa.

Binasag ni Don Atello ang ka-sweetan ng dalawa at napagtanto ni Mr. Yosh na siya ang mapapangasawa ng dalawa. Depensa ni Marikit na hindi raw niya mahal ang lalaking pinagkasundo ng kanyang magulang.

Samanatala, dinala ni Susie ang litrato nina Mr. Yosh at Marikit ngunit pinunit ito ni Don Atello. Pinahuli pa ng mapapangasawa ng dalaga ang binata sa mga kawal pero natalo niya ang mga ito.

Madaling pinaalis ni Marikit sina Mr. Yosh at Susie, dala-dala ang napunit na litrato. Nabuo na nga nila ang litrato pero hindi naman naligtas ng binata ang kanyang mahal mula sa nakaraan.

Paniwala ni Mr. Yosh na darating at darating ang tamang panahon para magkita sila muli, “Ang lakas ng paniniwala ko na si Marikit at ako is only Destined To Be Yours.”
 
Subaybayan ang huling linggo ng GMA Telebabad soap na Destined To Be Yours tampok ang phenomenal love team nina Pambansang Bae Alden Richards at Maine Mendoza.