TV

WATCH: 'Sunday PinaSaya,' pinarangalan ng Puso ng Saya award si Lola Pina

By Bea Francine Rodriguez

Binansagang “The Amazing Lola” ng Internet ang funniest lola ng social media na si Lola Pina. Good vibes ang dala ng 88-year-old sa mga kasamahan at bisita ng Kanlungan ni Maria. Umabot na rin sa mga netizens ang kanyang viral video na nagbibigay saya at ngiti.


Sa pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo ng Sunday PinaSaya, ipinagkaloob kay Lola Pina ang kauna-unang Puso ng Saya award dahil sa kanyang husay sa pagpapatawa. Trending ang kanyang mga banat kaya umani ito ng maraming hits online.

Nagbigay pugay ang cast ng show sa pamamagitan ng isang comedy skit na hango sa kuwento ng viral lola. Surprise guest rin nila ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales.

Nakangiting nagpasalamat ang Internet comedian at nagbilin, “Kailangan, [parating] masaya para humaba ang buhay.”