TV

WATCH: Coach Cynthia, kakampi o kaaway si Manang Loleng?

By Bea Rodriguez

Siguradong exciting ang pagbisita ni Ika-6 Na Utos star Odette Khan sa Cynthia’s School of Overacting ngayong Linggo, July 16 sa Sunday PinaSaya.
 
Finally, makikilala na ni Coach Cynthia (Wally Bayola) ang beteranang kontrabida-turned-well-loved Manang Loleng (Odette Khan) ng sikat na GMA Afternoon Prime soap.
 
Pasok kaya sa standards ng taklesang acting coach ang pag-arte ng kilalang kontrabida? O, magbabanggaan sina Cynthia at Odette?
 
Huwag palampasin ang matinding paghaharap ng dalawang napakahusay na mga aktor sa industriya ng showbiz, ngayong Sunday na!