TV

WATCH: Marian Rivera at Aiai Delas Alas, maglalaban sa 'Fliptop Battle' ng 'Sunday PinaSaya!'

By Bea Rodriguez

Maglalaban ang dalawang reyna ng GMA na sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas sa “Fliptop Battle” ni DJ Bae sa Sunday PinaSaya ngayong Linggo (October 8).

Isa-isa silang reresbakan ng Fliptop emcees na sina Mzhat at Mocks Wun. Ano kaya ang kanilang magiging paksa at ano ang kanilang papanindigang posisyon?

Samantala, bibisita rin si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa Sunday noontime show bilang parte ng kanyang 30th showbiz anniversary. Kakantahin niya for the first time on live television ang pinakabagong single niya na “Hugot.”