TV

WATCH: Jose Manalo, Wally Bayola at Pekto, ang 'Trekkings' ng 'Sunday PinaSaya'

Ipinakilala na kahapon (October 22) ang “Trekkings” sa “I-Share ang Puso ng Pasko: The Grand Launch” campaign ng ating paboritong Sunday noontime habit, ang Sunday PinaSaya.

 

Ang ating Kapuso comedians na sina Wally Bayola, Jose Manalo at Pekto Nacua ang gumaganap sa “Trekkings” na sina Melo, Gaston at Bart.

“Kami ang inyong Trekkings. Ang tutulungan namin [ay] ‘yung hindi kapos-palad,” bahagi ni Wally sa panayam ni Aubrey Carampel sa Balitanghali.

Dagdag pa ni Pekto, “Instead of Three Kings, Trekkings. ‘Yung tutulungan naman [ay] ‘yung nakakatulong tapos natutulungan pa nila ‘yung mga dapat tulungan.”

 

Nais iparating ng Sunday noontime show ang mensahe ng selfless giving at i-share ang blessings, good vibes at love sa Pasko.

“Ipinalalabas ng GMA at lagi nilang ipinapakita sa kanila [kung] gaano kababa, gaano kalawak [o] gaano ba iintindihin ang puso ng bawat Pinoy,” saad naman ni Jose.

Aabot hanggang dulo ng taon ang advocacy campaign ng Sunday PinaSaya na sinimulan na kahapon.