TV

WATCH: Maki-celebrate ng People Power anniversary sa 'Sunday PinaSaya'

By Bea Rodriguez

May inihandang People Power special performance sina President Rodney “Dugong” Juterte (Jose Manalo) at General Ibato (Wally Bayola) para sa episode ngayong Linggo (February 25) ng numero unong Sunday noontime show sa bansa, ang Sunday PinaSaya.

May tunggalian ring magaganap sa pagitan ng The Stepdaughters stars na sina Megan Young, Katrina Halili, Mikael Daez at Sef Cadayona laban sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka stars na sina Mike Tan, Charee Pineda, Ina Feleo at Pekto sa “Charade of Stars” segment.

May “Baelagtasan” naman ang Kambal Karibal stars na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa DJ Bae kasama ang magpu-push ng kilig na sina Sam YG at Papa Jackson.

Marami pang inihanda ang inyong paboritong Sunday noontime habit kaya tutok lang, mga Kapuso!