TV

WATCH: Gelli de Belen, hindi raw pang-Gawad Urian ang acting?

By Bea Rodriguez


Ang acting ng nagbabalik Kapuso na si Gelli de Belen ay katulad raw noong bagets pa siya, hindi pang Gawad Urian ayon kay Coach Cynthia?

Nadismaya ang acting coach ng “Over Acting Academy” sa 45-year-old award-winning actress. Turo ni Coach Cynthia sa Sunday PinaSaya ay dapat may dialogue within a dialogue ang aktres sa kanyang estilo sa pag-arte dahil ito na ang uso sa Hollywood.

Pinakitaan pa ni Coach Cynthia ang kanyang estudyante ng technique at nagbigay din into ng scare box bilang props para ma-deliver nang maayos ang mga linya.

Na-impress kaya si Coach Cynthia sa Gawad Urian Best Actress? Panoorin sa video na ito: