TV

WATCH: Kissy at Mocha-mo, nagharap sa 'Sunday PinaSaya?'

By Bea Rodriguez

Nagharap sa Sunday PinaSaya ang dalawang mainit na pangalan ngayon sa mundo ng showbiz at politika.

Ang impersonators nina Queen of All Media Kris Aquino at PCOO Assistant Secretary Mocha Uson na sina Kissy Anino (Barbie Forteza) at Mocha-mo Huston (Tekla) ay nagkasagutan sa numero unong Sunday noontime show sa bansa.

Hindi talaga magkasundo ang dalawa kaya ni-reschedule nina Pangulo Dugong Juterte (Jose Manalo) at General Ibato (Wally Bayola) ang pakikipagtunggali. Hinamon ni Kissy si Mocha-mo at walang katakot-takot itong tinanggap ng dating dancer.

Abangan ang muling paghaharap nina Kissy at Mocha-mo sa Sunday PinaSaya sa susunod na Linggo.