WATCH: 'Sunday PinaSaya' stars, puspusan ang paghahanda para sa kanilang ikatlong anibersaryo
Mas maraming sorpresa ang ating mapapanood sa nalalapit na ikatlong anibersaryo ng numero unong Sunday noontime show sa bansa, ang Sunday PinaSaya.
Tampok ang magiging pasabog na performances ng apat na grupo na pangungunahan nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas at Comedy Kings Jose Manalo at Wally Bayola.
“May apat na grupo na magpapaligsahan ng kanya-kanyang galing para magpatawa sa ating mga Kapuso,” ayon sa Primetime Queen.
Puspusan itong pinaghahandaan ng kada grupo, ayon naman kay Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, “Lahat po na mga groups namin, nag-meet po talaga kami. Nakaka-excite lang din kung ano ‘yung gagawin nila, kung ano’ng ipapakita nila sa anniversary.”
Espesyal rin na regalo ng Sunday PinaSaya ang melodramatic version ng theme song na 1,000 voices. Handog ito ng show, ayon kay Pambansang Bae Alden Richards, “Kasama namin lahat [pati ang] studio audience. [Iyon ay] maliit na regalo para sa mga sumusuporta sa amin.”
At siyempre, hindi mawawala ang Puso ng Saya award na ibinibigay sa mga taong pinagmumulan ng tawa at saya, “Ito ang mga Kapuso nating nagbibigay sa liit na pamamaraan nila at nag-spread ng good vibes para sa lahat.”
Ibinuking naman ng Sunday PinaSaya stars ang kada isa sa report ng Unang Hirit.