TV

LOOK: Gladys Guevarra, ipinakilala na ang mga tatay ng kanyang mga 'anak'

By Jansen Ramos

Ini-reveal na ni Gladys Guevarra ang mga tatay ng kanyang mga anak-anakan sa Sunday PinaSaya na sina Bianca Umali, Julie Anne San Jose, at Barbie Forteza.

Gladys Guevarra / Channel Chuchay (YT)

READ: Gladys Guevarra, ipinakilala ang tatlong anak na babae

Sa isang Instagram post, pabirong sinabi ng komedyante na si Pekto ang ama ni Bianca, si Jose Manalo ang ama ni Julie Anne, at si Jelson Bay naman ang ama ni Barbie.

"Ayan, ok na? Ni-reveal ko sa lahat ang sikreto naming mag-iina [laughing emoji]," sulat ni Gladys sa caption.

Nag-react naman kaagad sina Barbie at Bianca sa rebelasyon ng kanilang 'ina.'