TV

Julie Anne, Ruru, Jerald, at Clint, naglaban sa 'Hatawanan'

By Bianca Geli

Dalawang teams ang nagpatalbugan nitong nakaraang Linggo sa “Hatawanan” sa Sunday PinaSaya.

Nag-showdown ang Team Ru-Lie (Julie Anne San Jose and Ruru Madrid) laban sa Team BO Brothers (Jerald Napoles, Pekto, Roadfill, at Clint Bondad) sa kani-kanilang production numbers.

Nagpakitang gilas ang Team Ru-Lie sa mala-martial arts nilang version ng hit song na “Kill This Love” habang ginulat ng Team BO Brothers ang judges sa kanilang revealing dance number.

Sabi ni Judge Aiai Delas Alas sa sayaw ng Team Ru-Lie, “Maganda 'yung number, malinis 'yung dancing nila.

“Si Julie kahit hindi gaano daring 'yung suot niya, sexy 'yung pagkakasayaw niya and si Ruru kinarir niya naman talaga 'yung 'Kill This Love.'”

Dagdag naman ni Judge Glaiza de Castro, “Overall, gusto ko 'yung idea at 'yung concept ng prod niyo kasi favorite ko 'yung Japanese effects.”

Ginulat naman ng Team BO Brothers ang judges sa kanilang shower dance number.

“Maganda 'yung ginawa niyo pero hindi ko nagustuhan,” comment ni Judge Jose Manalo.

Nagulat naman ng todo si Judge Glaiza, “Hindi ako nakahinga sa inyo guys puwede bang sa susunod bawasan niyo yang ginagawa niyong yan hindi yung damit, ah, yung gulat factor lang.”

Sino kaya ang nagwagi sa “Hatawanan”? Balikan sa June 28 episode ng Sunday PinaSaya:

Team Ru-Lie:


Team BO Brothers: