TV

WATCH: Marian Rivera is teacher by day, Tamawo slayer by night sa 'Super Ma'am'

By Bea Rodriguez

Bigatin ang pagbabalik Primetime ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa bagong action fantasy series ng GMA na Super Ma’am.

Limang araw na lang at magsisimula na ang klase ni Teacher Minerva Henerala ngayong Lunes (September 18) sa GMA Telebabad.

Mula sa pagiging isang history teacher, paano kaya siya magiging isang Tamawo slayer?

Alamin ang kuwento sa likod ng trahediya na nangyari sa pamilya Henerala na may koneksyon sa Visayan mythical creature na Tamawo.

Tampok rin sa inaabangang telefantasya sina Ms. Helen Gamboa, Al Tantay, Julius Erasga, Kim Domingo, Jackie Lou Blanco, Matthias Rhoads, Jerald Napoles, Jillian Ward, Ash Ortega, Enrico Cuenca, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Meg Imperial, Ashley Rivera, Shyr Valdez, Vincent Magbanua, Ralph Noriega, Marika Sasaki, Andrew Gan, Kevin Santos, Isabelle de Leon, with the special participation of Ms. Dina Bonnevie, Aiai Delas Alas at Carmina Villaroel sa direksyon ni L.A. Madridejos.

Walang a-absent sa klase ng ating hero sa loob ng classroom. Good teacher na, fantastic pa! Siya si Super Ma’am!