TV

WATCH: 'Super Ma'am' Marian Rivera, abangan sa Kapuso Fans Day!

By Bea Rodriguez

Super ang pasasalamat ng GMA sa pagtutok n'yo gabi-gabi sa action-fantasy series na Super Ma’am.
 
Bilang pasasalamat, makikisaya si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera kasama n'yo sa Kapuso Fans Day ngayong October 21 (Saturday) sa Magic Mall Urdaneta sa Pangasinan.
 
Makakasama pa niya ang kanyang co-stars sa serye na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching.
 
Huwag a-absent sa klase ni Super Ma’am gabi-gabi ng 7:45 p.m. sa GMA Telebabad.