TV

WATCH: Super Ma'am, magigising pa ba o tuluyan nang mamahinga?

By Bea Rodriguez

Knockout pa din si Super Ma’am nang dahil sa lakas na suntok na kanyang natamo mula kay Avenir. Nasa pangangalaga ngayon ni Trevor Jones ang Tagachu.

Samantala, hinahamon pa rin ni Avenir ang ating superhero ngunit may bagong kakampi na dumating. Nakasagupa rin ng Tamawo warrior ang Girero ng Visayas na si Isko Dagohoy pero hindi natapos ang laban.

Babalik pa ba sa eksena ang ating hero sa classroom? Abangan mamaya sa Super Ma’am sa GMA Telebabad.