TV

WATCH: Ano ang pakay ni Jill kay Minerva?

By Bea Rodriguez

Manganganib ang buhay ng mga Henerala. Hostage ng mga manananggal sina Minerva at Tatay Chaplin.

Sino kaya sa kanilang dalawa ang tutuluyan nina Jack at Jill? Ano kaya ang pakay ng mga manananggal kay Minerva na alam nilang si Super Ma’am?

May magagawa kaya sina Ace, Bixby at Dolly? Darating ba ang mga estudyante ni Minerva na sina Michelle, Kristy, Eric at Onin na silang may superpowers nang dahil sa sakras?

Pumasok at huwag a-absent sa klase ni Super Ma’am, gabi-gabi ng 7:45 p.m. sa GMA Telebabad.

Tags:
super maam