TV

WATCH: Super Teens, mga sidekick ni 'Super Ma'am?'

By Bea Rodriguez

Four teens, one team. Sila ang Super Teens!

Mga superheroes din sila katulad ni Super Ma’am at ang misyon nila ay tulungan din ang mga sumasaklolo este sila raw ang mga sidekick ng ating super bida.

Ngunit, parang hindi papayag si Super Ma’am sa kagustuhan ng mga bagets. “Ang babata n'yo pa. Hindi n'yo dapat nilalagay sa alanganin ang mga buhay n'yo,” saad ng ating super bida sa episode kagabi, December 5.

Ang mga bata raw ay dapat tutok sa kanilang pag-aaral, “Nag-aaral ba kayo? Ginagawa n'yo ba ang homework n'yo?”

Madiskubre kaya ni Super Ma’am at ng Super Teens ang totoong pagkatao nilang lahat? Huwag a-absent sa klase ni Super Ma’am gabi-gabi ng 7:45 p.m. sa GMA Telebabad.