TV

WATCH: Patricia Tumulak, pinalitan na si Marian Rivera sa 'Super Ma'am?'

By Bea Rodriguez

Lume-level up na ang ating Eat Bulaga HBD Girl at Chika Minute anchor na si Patricia Tumulak. Sumabak na rin sa aktingan si Patring bilang ang alter ego ni Super Ma’am na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Umere na kagabi, January 3 ang pagsilang ng bagong Super Ma’am na nanggaling sa kamandag ni Boss Arjay.

Utos ng Tamawo King sa evil Super Ma’am na kunin ang loob ng mga tao kaya iniligtas niya ang bayan laban sa mga zombies.

“Ako na ang bagong Super Ma’am ngayon. Mas malakas, mas matapang at mas magaling sa dati [niyong] iniidolo,” saad ng seksing tagapagligtas na kulay pula ang suot na may hawak ding buntot pagi.

Mapabilib at makuha niya kaya ang tiwala ng sambayanang Pilipino? Huwag a-absent sa klase ni Super Ma’am ngayong gabi ng 7:45 p.m. sa GMA Telebabad.