TV

WATCH: Kim Domingo, papatayin si Marian Rivera sa 'Super Ma'am?'

By Bea Rodriguez

Muling maghaharap sina Super Ma’am at Avenir sa huling tatlong linggo ng action-fantasy series.

Hawak pa rin ni Tamawo Queen Greta sa leeg si Avenir na ginagamit niya bilang armas para maprotektahan ang lahi ng mga Tamawo.

Si Avenir ang nawawalang kapatid ni Minerva na si Mabelle at siya ang gagamitin ni Greta upang mapatay si Super Ma’am.

Mas makapangyarihang Minerva at Avenir ang maglalaban. Ano ang magiging reaksiyon ng dalawa kapag malaman nilang ang kanilang kinakalaban ay ang sarili nilang kapatid?

Tampok sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Asia’s Fantasy Kim Domingo, abangan ang kanilang matinding laban sa Super Ma’am!