TV

Kim Domingo on Marian Rivera: 'Pantay ang tingin niya sa lahat'

By Aedrianne Acar

Napa-throwback ang Asia’s Fantasy na si Kim Domingo sa masasayang experiences niya sa paggawa ng Kapuso primetime series na Super Ma’am sa Instagram.

Ibinahagi ng Kapuso sexy actress ang mga memorable moments niya sa show.

Ayon kay Kim, “Minsan talaga hindi mo mamamalayan ang bilis ng panahon. Parang kailan lang kakasimula palang ng super maam ngayon tapos na pero sa kabila neto naging isang pamilya kami, naging magaan ang bawat eksena dahil tinuring naming family ang bawat isa.”

READ: Marian Rivera's tear-jerking IG post for the stars & crew of 'Super Ma'am'

Taos-puso rin ang pasasalamat ng Bubble Gang star kay Marian Rivera sa pagiging propesyunal nito.

“Gusto kong pasalamatan ang nagiisang primetime queen @marianrivera sa pagalalay sakin sa bawat eksena at sa haba ng pasensya nya dahil paulit ulit ako nagkakamali sa mga fight scenes Sya yung tipo ng artista na masarap ka eksena, game sya sa lahat ng bagay, makulit kalog at napakahaba ng pasensya. Pantay ang tingin nya sa lahat.

“Kaya masasabi kong di ako nagkamali ng hinangaan na artista hindi lang ganda ang meron sya, samahan mopa ng talento pero mas nangingibabaw sakin kung paano sya bilang tao. Ang personality nya at kung gano sya katotoong tao. Nung nakasama ko sya mas nakita ko kung sino ba talaga ang isang Marian Rivera. Sabi ko non, ibang klase ang babaeng to nasa kanya na talaga ang lahat Ang problema nga lang, Mamimiss ko nga lang sya ng sobra Hayyy.”  

Panghuli, nagbigay rin ng mensahe si Kim sa mahusay nilang direktor na si Direk LA Madridejos.

“Gusto ko din magpasamalat kay Direk LA @akosila dahil sayo madami ako natututunan sa bawat eksena na ginagawa ko, ikaw yung tipo ng direktor na hindi pinababayaan ang artista, lagi mong ginaguide. Thankful ako sa pangalawang pagkakataon na nakasama kita. Love you direk ???? thank you din sa lahat ng bumubuo ng Super Maam at sa mga sumuporta samin. Taos pusong pasasalamat sa inyo. Maraming Salamat.”