Alamin kung sino sa mga celebrity contestants ang makakaabot sa final three ng 'Superstar Duets.'
Bago magsimula ang matinding biritan, umawit muna ang mga celebrity contestants with Regine Velasquez ng 'You Are My Song.'
Hindi lang guest host si Regine on tonight's episode dahil lahat ng kantang aawitin ng celebrity contestants ay pinasikat ng Asia's Songbird at magsisilbi din siyang guest judge.
Ang Regine hit na inawit ni Nar Cabico ay 'Hanggang Ngayon.'
Isang powerful performance ang ibinigay nila ng kaniyang ka-duet na si Stevie Wonder Woman.
Nagmistulang Mannequin Challenge naman ang performance ni Divine while singing 'Dadalhin.'
Sinamahan siya ng Queen of Pop na si Madonna Cruz.
Napabilib ni Jerald Napoles ang judges nang bumirit siya sa kantang 'Pangako.'
Perfect compliment ang boses ni Vinaboy George para kay Jerald.
Rita Daniela took us on a trip to Thailand via her performance of 'Kailangan ko'y Ikaw.'
Rita and her partner, Prince Epal, were the night's highest scorers.
Meanwhile, si Divine ang nakatanggap ng lowest score kaya't hindi siya makakasama sa final three. Gayunpaman, happy-happy pa din ang lahat sa 'Superstar Duets!'