GMA Logo Tadhana Tahanan Finale
What's on TV

Tadhana: Abangan ang 'Tahanan' the Finale ngayong May 20

By Bianca Geli
Published May 20, 2023 9:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Thailand PM expresses hope for ceasefire with Cambodia
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana Tahanan Finale


Sakit ng isang ina, naging daan para muling mabuo ang kanilang nasirang pamilya?

Sa Tadhana: Tahanan, dalawang taon na nang maghiwalay ang mag-asawang Sylvia (Lotlot de Leon) at Enrico (Boom Labrusca) at mag-co-parenting sa dalawa nilang anak -- sina Gino (Kim de Leon) at Elissa (Shanelle Agustin).

Aaminin na ni Sylvia ang tunay niyang kalagayan sa kanyang pamilya. Mabubunyag naman ang mga ginawang kasamaan ni Ivy (Arra San Agustin) sa magkapatid na Gino at Elissa -- sapat na dahilan para hiwalayan siya ni Enrico at balikan ang ex-wife na si Sylvia.

Muli na nga bang mabubuo ang pamilya nina Sylvia? O aagawin ng sakit niya ang kanilang second chance sa pag-ibig?

Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: Tahanan the Finale, A Mother's Day special ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.