GMA Logo Dior Veneracion
What's on TV

Dior Veneracion, nagbigay ng set tour sa 'Tadhana: Reunion'

By Bianca Geli
Published June 6, 2023 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tech innovator Dado Banatao passes away at 79
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Dior Veneracion


Nagbigay pasilip sa set ng 'Tadhana: Reunion' ang rising star na si Dior Veneracion.

Mabibigat man ang mga eksena sa Tadhana: Reunion, puno ng kulitan ang cast ng three-part episode ng weekly drama series.

Ipinakita ng newbie aktor at TikTok star na si Dior Veneracion ang mga behind-the-scenes moments ng cast na kinabibilangan nina Elle Villanueva, Faye Lorenzo, Jon Lucas, at marami pang iba.

Isa sa mga nakausap ni Dior sa kanyang set tour ay si Jon. Tanong ni Dior kay Jon, "Ano'ng nafi-feel mo ngayon na ang dami nating sequence?"

Saad ni Jon, "Sobrang saya kasi siguro mga five or six months na 'yung huling guesting ko rito sa Tadhana. Masarap mag-guest dito dahil sa mga tao at staff."

Napag-usapan din ng dalawang Tadhana stars ang kanilang huling proyekto na magkasama noong bago pa magpandemya. "Dati, guys, backup dancer niya ako sa show," kuwento ni Dior.

Pinuri naman ni Jon si Dior sa pag asenso nito sa showbiz at binirong mas sikat na ito sa kanya, na agad namang tinanggi ni Dior.

Panoorin:



KILALANIN ANG TIKTOK STAR NA SI DIOR VENERACION: