GMA Logo Tadhana
What's on TV

Sanya Lopez, maghihiganti sa 'Tadhana: Pagtakas sa Kahapon'

By Bianca Geli
Published June 30, 2023 5:00 PM PHT

Around GMA

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana


Sa bandang huli, lalaban si Glenda (Sanya Lopez) sa amo ng kanyang ina. Huwag palampasin ang ending sa three-part episode ng 'Tadhana: Pagtakas sa Kahapon.'

Sa part three ng Tadhana: Pagtakas sa Kahapon, lumipas man ang ilang taon ay nananatili pa rin ang poot sa puso ni Glenda para sa mag-inang Lupe at Rowena. Kaya naman maging ang bagong negosyo ng mag-ina, ipinasunog ni Glenda.

Pero sa tulong ni Mico, malalaman ni Rowena ang tungkol sa pamanang iniwan ng yumaong ama para sa kanya. Labis naman itong ikakagalit ni Glenda na siyang dahilan upang dukutin niya si Lupe at saktan! Mailigtas kaya ni Rowena ang kanyang ina mula kay Glenda?

Abangan sina Sanya Lopez, Bernadette Allyson, Christian Vasquez, Ynez Veneracion, Jeric Gonzales, Lady Gagita, Ice Arago, at Rio Mizu!

Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: Pagtakas sa Kahapon the Finale ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.