GMA Logo Ynez Veneracion
What's on TV

Ynez Veneracion talks about kontrabida role in 'Tadhana'

By Bianca Geli
Published July 7, 2023 12:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NTF-ELCAC rejects claims P8-B barangay allocation is ‘discretionary fund’
‘Panunuluyan’ blends timeless tale of faith with PH heritage
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Ynez Veneracion


Isang babaeng tinaksil ng asawa na binahay pa ang kabit, 'yan ang ginampanang role ni Ynez Veneracion sa 'Tadhana: Pagtakas Sa Kahapon.'

Isang mayaman na babae na niloko ng asawa ang naging role ni Ynez Veneracion sa Tadhana: Pagtakas Sa Kahapon.

Kuwento ni Ynez sa Tadhana team, "Kontrabida po ako dito, ako po 'yung nagpahirap sa buhay nila. Pero hindi ba, and weird? Asawa at mistress, nasa iisang bahay?"

Ibang-iba ang role ni Ynez bilang Glenda sa nasabing episode. "Naku, marami kayong maasahang [sorpresa] kasi ang palaging nakikita nila sa akin, ako 'yung nanay, palagi akong mahirap. Sabi ko nga, 'Lagi na lang mahirap 'yung role ko.' Ngayon, nagulat ako kasi ang gaganda ng mga damit ko, super makeup ako. Dati, mukhang kawawa talaga na labandera. Ngayon biglang naging mayaman na ako. Mabigat, first time kong ginawa in television."

Dagdag ni Ynez, naging malaking sorpresa naman para sa kaniya ang impromptu kissing scene nila ni Christian Vasquez.

"'Yung kissing scene na 'yun, on the spot. Wala naman kasi sa script. Smack lang naman 'yun."

Punong-puno ng intense na drama at bangayan ang kanilang three-part episode dahil sa complicated love story ng mga karakter. Kwento ni Ynez, "Ang weird, 'yung relationship na ito, sobrang weird talaga. Kung ako 'yung nandoon sa situation na 'yun, lalayas ako or aayaw akong patirahin mo 'yan dito. Ilipat mo 'yan sa ibang bahay. Tatanggapin ko pa rin 'yung asawa ko kasi mahal ko, pero depende pa rin. Nakakatanga ang pagmamahal. So kahit nakabuntis, pwede mong tanggapin. Pero kung gagamitin mo 'yung utak mo, hindi ka papayag sa lahat, you move on."

Kung makakabuntis ng ibang babae ang sarili niyang partner, matatanggap pa kaya ni Ynez? "Sa personality ko, if nakabuntis siya, although hindi pa naman nangyayari...sa tingin ko lang hindi ako papayag at baka makipaghiwalay din ako sa kanya. Kasi, you have to love yourself. Pwede niya kasing gawin ulit sa ibang paraan kasi alam na pumayag ka sa umpisa. Maabuso ka na. Hindi ko papayagan na mangyari 'yan."

Patuloy na panoorin ang Tadhana, hosted by Marian Rivera, tuwing Sabado, 3:15 p.m. at sa GMA Public Affairs' Facebook and Youtube livestream.

Balikan ang interview rito: