
Sa Tadhana: Bayad Utang, sa halagang PhP150,000, ang magandang samahan ng pamilya nina Gileen at Laura, unti-unting masisira.
Ang pera kasing hiniram ni Gileen kay Laura, imbes na gamitin sa negosyo ay nauwi sa pambili ng iba't ibang luho.
Upang mailigtas ang agaw-buhay niyang mister, sisingilin ni Laura si Gileen sa perang hiniram nito noon. Pero sa halip na magbayad, puro pagdadahilan lang ang ibinigay ni Gileen.
Dahil sa kakulangang pinansyal, mamamatay ang mister ni Laura at iisa lang ang sisihin niya rito -- ang pamilya ni Gileen!
Ano ang paniningil na gagawin ni Laura para sa pamilyang nasira dahil sa isang utang?
Abangan ang natatanging pagganap nina Rochelle Pangilinan, Maricar de Mesa, Zyren dela Cruz, Elijah Alejo, Rich Reginaldo, Alvin Fortuna, Mark Dionisio, Alexander Lucas Martin, at Brianna Advincula.
Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kwento ng Tadhana : Bayad Utang ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube channel