GMA Logo Winwyn Marquez at Maui Taylor in Tadhana
What's on TV

Winwyn Marquez at Maui Taylor, matindi ang away sa 'Tadhana: Ganti'

By Bianca Geli
Published October 20, 2023 5:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipino teachers face visa delays as US expands social media checks
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Winwyn Marquez at Maui Taylor in Tadhana


Full trailer ng 'Tadhana: Ganti Part 2', umabot na ng mahigit two million Facebook views.

Sa Part 2 ng Tadhana: Ganti, isang mas matapang at matibay na Giselle (Winwyn Marquez) ang nagbabalik sa Pilipinas para maghiganti.

Matapos kasi niyang makaligtas mula sa masamang plano ni Marissa (Maui Taylor) noon, nagsikap si Giselle upang siguradong makakaganti na siya sa makapangyarihang pamilya ng mga Reyes.

Sa tulong ni Luke (Pancho Magno), unti-unting guguluhin ni Giselle ang mundo ni Marissa.

Ano-ano ang kayang gawin ni Giselle upang mabawi ang kanyang anak at mapaghiganti ang mga pumanaw na magulang?

Abangan ang natatanging pagganap nina Winwyn Marquez, Maui Taylor, Pancho Magno, Shido Roxas, Princess Aliyah, Jim Pebanco, Bryce Eusebio at TikTok stars Yes na Yes For You at Chloe Redondo.

Samahan si Kapuso Primetime Queen sa kuwento ng Tadhana: Ganti Part 2 ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs Facebook and YouTube livestream.