
Mag-inang nanalo sa lotto, biglang nagtago sa kanilang mga kaibigan? Manlolokong mister, babalikan sila?
'Yan ang kwentong handong ng Tadhana: Jackpot na pagbibidahan nina Sheryl Cruz at Shayne Sava.
Biglang nagbago ang buhay ng mag-inang Rachel (Sheryl Cruz) at Jennie (Shayne Sava) nang manalo sila sa lotto.
Ang dating halos makuba na sa pagtatrabaho na si Rachel, bakasyunista na ngayon habang vlogger na ang anak niyang si Jennie.
Pero ang mala-jackpot na buhay ng mag-ina ay muling magugulo nang may makaalam sa kanilang pagkapanalo sa lotto! Nagbabalik din ang mister ni Rachel upang humingi ng tawad.
Paano haharapin ng mag-inang Rachel at Jennie ang panibagong pagsubok sa kanilang pamilya? May swerte pa kayang muling maging maayos ang kanilang buhay?
Patuloy na panoorin sina Sheryl Cruz, Neil Ryan Sese, Ariella Arida, Shayne Sava, Pepita Curtis, Yvette Sanchez, Rolando Inocencio, Matthew Uy at, Miss Deliciousness.
Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: Jackpot Finale ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube live stream.
Panoorin ang full episode ng Tadhana: Jackpot Part 2