TV

Luis Hontiveros, Katya Santos, Royce Cabrera, bibida sa 'Tadhana: Pamilya'

By Bianca Geli

Sa panibagong episode ng Tadhana, isang masayang pamilya at matagumpay na boksingero -- 'yan ang tanging pangarap ni Rodel (Luis Hontiveros). Bagama't mali ay ginamit niya ang matandang si Jovita (Katya Santos) upang makakuha ng pera at maisakatuparan ang pagiging boksingero.

Pero ang panloloko ni Rodel kay Jovita maging sa kanyang misis, unti-unti siyang sisingilin. Matutupad pa kaya ang pangarap niyang pamilya?

Abangan ang natatanging pagganap nina Pauline Mendoza, Luis Hontiveros at Crystal Paras sa Tadhana: Pamilya, ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream!