TV

Arra San Agustin, mapatawad pa kaya si Yasser Marta sa 'Tadhana'?

By Bianca Geli

Sa Tadhana: Sister's Keeper the Finale, labis ang galit ni Grace (Arra San Agustin) sa kanyang kapatid na si Marife (Jenzen Angeles) nang malaman niya ang relasyon nito sa kanyang kasintahang si Warren (Yasser Marta).

Mas lalo pang nadurog ang kanyang puso sa balitang buntis si Marife at si Warren ang ama! Magkaayos pa kaya ang magkapatid na Grace at Marife?

Abangan ang natatanging pagganap ni Arra San Agustin, Yasser Marta, Jenzel Angeles, Bernadette Alysson-Estrada, Donna Cariaga at Cora Buenaventura.


Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kuwento ng Tadhana: Sister's Keeper ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 Tadhana: Sister's Keepers.