GMA Logo Tadhana Due Date
What's on TV

Online lending app scam, tampok sa 'Tadhana: Due Date the Finale'

By Bianca Geli
Published May 29, 2024 3:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBB Collab 2.0: Caprice Cayetano fails to advance in gift of immunity challenge
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana Due Date


Naranasan niyo na bang gumamit ng online lending app? Panoorin ang karanasan ng isang pamilya dito.

Sa Tadhana: Due Date, isang pamilya ang mapapakapit sa online pautang.

Para maitaguyod ang kanyang mga anak, nagtatrabaho bilang OFW si Judith (Rita Avila) sa Hong Kong. Pero ang inaasahang trabaho, naging mitsa pa para makulong siya.

Kaya naman para matustusan ang pangangailan ng magkakapatid na Kathryn, (Ashley Ortega) Selena (Shanelle Agustin) at Kiko (Jamir Zabarte) ay kumapit sila sa online pautang.

Nang ma-ospital dahil sa sakit si Selena, sa online lending app nakaasa ang kanyang pamilya. Lingid sa kanilang kaalaman na imbes na tulong, dobleng sakit sa ulo pala ang dulot nito.

Dahil sa lumobong utang nila, pananakot at pagbabanta ang natanggap ng magkakapatid.

Hanggang sa makilala na ni Kiko ang tao sa likod ng pangha-harass na naranasan nila mula sa isang online lending app. A``no kaya ang kanyang gagawin?

Paano nga ba nila mababayaran ang kanilang utang?

Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa pagpapatuloy ng Tadhana: Due Date the Finale, ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream!