
Sa ikalawang bahagi ng Tadhana: Masked Dancer, mapapanood ang pagkasunog ng bahagi ng mukha ni Jenna (Crystal Paras) dahil sa isang aksidente sa mismong kainan sa Japan, kung saan nagtatrabaho.
Matapos masira ang mukha ni Jenna sa isang aksidente sa Japan at paalisin sa bahay na naipundar niya sa Pilipinas, namasukan siya bilang masked dancer sa isang bar.
Magiging customer niya ang dating nobyo at matuklasan ang kasamaan nito.
Muli naman niyang makikita ang Japanese boss niya, na tutulong sa kanya para makabangon at maghiganti.
Huwag palalampasin ang pagpapatuloy ng Tadhana: Masked Dancer Part 2 ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube channel.
Panoorin ang teaser dito: