GMA Logo Herlene Budol
What's on TV

Herlene Budol, bibida sa 'Tadhana: Sino Si Alice?'

By Bianca Geli
Published October 11, 2024 4:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 piloto, nasawi sa pagbagsak ng air cargo plane sa Coron, Palawan
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


Sino kaya ang may balak na masama kay Alice (Herlene Budol)?

Sa Tadhana: Sino Si Alice, tampok ang istorya ng isang dalaga na may matinding kaaway na hindi niya kilala. Dahil sa pagiging matiyaga ni Alice (Herlene Budol), agad siyang binigyan ng promotion sa kanyang trabaho. Pero ang good news sana sa buhay ni Alice, magiging dahilan para malagay sa panganib ang buhay niya.

Dahil hindi niya nagawang makuha ang inaasam na mataas na posisyon sa kanilang trabaho, hindi maitago ni Violy (Thea Tolentino) ang kanyang inggit sa promotion na nakuha ni Alice (Herlene Budol)! Mukhang marami ang may lihim na galit kay Alice dahil sa promotion na natanggap niya sa trabaho!

Sundan ang pagpapatuloy ng 7th Anniversary special ng Tadhana: Sino Si Alice? ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.

Panoorin ang teaser video: