GMA Logo Tadhana Old Maid
What's on TV

Karen delos Reyes, nagbabalik sa 'Tadhana: Old Maid'

By Bianca Geli
Published January 25, 2025 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dizon: I have not authenticated the so-called Cabral files
Over 20,000 passengers logged in NegOcc on holiday rush
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana Old Maid


Pinay OFW at breadwinner ng kaniyang pamilya, naging matandang dalaga na dahil sa obligasyon sa pamilya?

Sa Tadhana: Old Maid, lahat ay kayang tiisin ni Kristel (Karen delos Reyes) sa Taiwan para makaipon at maipadala sa kaniyang pamilya sa Pilipinas.

Dahil sa pagiging breadwinner, mas inuna ni Karen ang pamilya kaysa sa pag-aasawa.

Lingid sa kaniyang kaalamanan ay nilulustay pala sa mga bisyo ng kaniyang ina at kapatid ang mga pera na ipinapadala niya.

At ngayong nais nang bumuo ni Kristel ng sarili niyang pamilya, hahadlangan siya ng mga ito sa takot na mawala ang kanilang sustento.

Hanggang sa may kumatok sa puso ni Kristel, tutol man ang pamilya niya sa pag-aasawa niya, ipaglalaban pa rin ni Kristel ang kaniyang relasyon.

Abangan sina Karen delos Reyes, Janice Jurado, Arnold Reyes, Kimson Tan, Mia Pangyarihan, Lienel Navidad, Jet Rai, at Lady Gagita sa isang kuwento ng Tadhana: Old Maid ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.